Ang Paraiso Ng Pitong Pandak
I
Nahulog ako at hindi na nakabalik pa sa aking pinanggalingan. Nawala, nag-iisa, gutom, lugmok, at laspag.
Wala
akong makitang pag-asa. Puro sanga-sanga. May pagkagubat ata ‘tong lugar kung
saan ako napadpad. Ibang-iba kung ikukumpara sa aking kinagisnan.
Ako
si Elso, pero mas gusto kong tinatawag na Olsen. Laking mayaman at spoiled.
Maputi pero payatot. Magaling sumayaw at mahilig sa tokwa’t baboy. Tumakas lang
ako saglit sa buhay ko. Ganito ang ginagawa ko kapag sumasalungat ang mga
pangyayari sa mga gusto ko sanang mangyari. Nag-schedule ako ng alone time to
find myself. Pumunta ako far far away from home, from responsibilities, from
deadlines, from pressures. Umalis sa city papunta sa province.
Kaya
lang, naligaw ako. Dala na siguro ng depression at paglubog ng araw na
nagpadilim sa paligid ko. Nahulog ako sa mini bangin. Isang simpleng hakbang sa
malambot na surface lang, nawala na agad lahat ng nakasanayan at kinagisnan ko.
Time machine ba ito? Pero maputik, sticky, kadiri. Ang baho! Parang tunnel na
ala-rollercoaster ride pero bumpy, uncomfortable, at nakakatakot. Aruy! Masakit
ang landing ko. Pagmulat ko ng mga mata ko… ABA! Parang province lang din. Mas
maraming puno, pero may mga bahay din naman. ‘Yun nga lang, mukhang hindi pa
uso ang semento dahil lahat ay gawa sa kahoy at mga dahon-dahon.
Sa paghahanap ko ng daan
pabalik, nakakita ako ng bahay, kulay green ang bubong, may second floor pero
maliit, square ang hugis pero may attic kaya naging hugis triangle ang tuktok.
Kumatok ako para magtanong. Agad akong sinalubong ng isang babaeng pandak.
Pangit siya at medyo natural ang pagkakunot ng noo. Sa itsura, hindi mo
iisiping she is very very welcoming. “Hello... Wow! Dayo ka noh? Laki mo eh.
Ano’ng name mo? I’m Elise.”, unang bati niya sa’kin pagkabukas na pagkabukas
niya ng pinto.
Itutuloy...
0 comments:
Post a Comment