August 6, 2012

Nang Dahil Sa Mansanas

Ang lahat ng pagsubok sa mundo ay umusbong dahil lamang sa ipinagbabawal na kagat
Forever ko bang dapat sisihin si Eba dahil kinagat niya yung kaisa-isang pinagbawal ni Lord na kagatin niya? O si Adan dahil imbis na pigilan si Eba eh naki-join in pa sa foodtrip? Nope. Kasi, alam ko, habang nagpaparami ng tao si Adan at si Eba, balang araw, may kakagat din nun. Anak nila, apo, apo sa tuhod, apo ng apo sa tuhod, o baka ako pa. Kasi ganun ang tao. Sakim. Gahaman. Garapalan.

"You cannot please everybody." Oo, may kanya kanya tayong salita, kilos, o katangian na nakakairita para sa ibang tao. Pampam, KSP, epal: pare-pareho ng meaning pero ginamit ko sa iba't-ibang bahagi ng buhay ko. Pampam nung elementary, KSP nung high school, at epal nung college. Wagas! Kasi nga lahat tayo naghahangad ng malalaking bagay para sa sarili natin. Wala namang masama dun. Pero minsan, nakakalason din. Pero 'wag mong sisihin yung ahas na tumutukso sa'yo. Dahil sa huli, choice mo yan.

Simula bata ako, may mga tita ako na nakyutan sa'kin kaya binili ako ng gatas at Gerber. May nanay ako na nagtrabaho para mapag-aral ako sa magagandang eskwelahan. May lola ako na naghugas ng pwet ko at nag-provide sa'kin ng maraming maraming bagay. May tatay din ako na nag-donate lang ata ng sperm cell para magawa ako, tapos, sabay takbo. Pero iintindihin ko pa ba 'yun? Hindi na noh! Kasi MAPAGMAMAYABANG ko na never akong nakaranas ng kahirapan sa buhay. Napakalaking pasasalamat ko sa lahat ng nagtaguyod at naghirap para sa ikagiginhawa ko.

Ngayon, alam ko nang MAHIRAP pala talaga ang buhay. Hindi agad ako na-inform. Haha. College graduate na 'ko, may trabaho. Mas marami akong gusto kesa sa kayang ibigay sa'kin ng sweldo ko. Ang hirap pala kapag kailangan mo nang tumayo gamit lamang ang sarili mong mga paa. Nung unang araw ko sa trabaho, ang paulit-ulit lang sa isip ko, "Wow. Ganito pala ang buhay."

Nag-aral ka para magtrabaho; magtratrabaho ka para makasurvive; tapos, mamamatay ka. Mahirap mabuhay sa mundo. Dahil nga kumagat tayo. Pero sana subukan mong mag-iwan ng marka sa mundo bago ka man lamang umalis dito.

Gusto kong murahin si Eba't Adan. Nanghihinayang kasi ako sa GARDEN OF EDEN na binigay ni Lord para sa'ting lahat. Fvck! Hinayupak! Sana libre lang ang spaghetti, cheese top burger, Krispy Kreme doughnuts, at stuffed crust pizza kung hindi epal si Eba. Pero ano'ng mangyayari sa'kin kung sisisihin ko lang sila ng sisisihin? Wala. Mabuti pang simulan ko ng KUMILOS para makatikim ng Garden of Eden.

Tanong ko kay Lord, "bakit ganito na yung mundo na ginawa mo? Ang layo layo na sa design mo dati?" Sagot Niya lang, "bakit? Wala na bang ganda?" Sagot ko, "meron, marami."

Wala na yung Garden of Eden. Tinuruan Mo kami na magsumikap, mag-alala, magbigay, mahirapan, para naman alam namin na nandyan Ka. Eh kung nasa Garden of Eden lang kami, ni hindi nga namin alam na naglipana na pala ang mga betlog at pekpek eh, paano pa kaya kami matututong makapagpasalamat sa Iyo? Ganun siguro talaga, thankfulness comes after hardships.

Conclusion: Alam ni Lord ang ginagawa Niya. Dapat alam mo rin. Sabi nga ni Stephen King, "If God gives you something you can do, why in God's Name wouldn't you do it?" Tignan mo si Steve Jobs, college dropout, pero ginawa pa atang inspirasyon ang kahirapang dulot ng kinagat na mansanas (daw) para maitayo ang Apple Company niya na limpak limpak ang pera at karangalan ngayon.

Kalimutan na natin si Eba't Adan at ang Garden of Eden. Iba na ang forbidden fruit ngayon. Baka hindi mo namamalayan, pero may forbidden fruit parin. Kaya, may kapahamakan parin. Yung buhay mo hindi pa matatawag na buhay hangga't hindi mo ito nalalaman at napagtatagumpayan.

KILOS. Binigay ang buhay mo, natural may silbi ka. Wag mong hayaan yung ahas na alisin sa'yo yung silbi na meron ka. Oo, mahirap. Pero, may cake. Oo, cake, para pag nalampasan mo yung hirap, may celebration. Para tuwing makakasurvive ka ng isang taon, may hihipan ka.

Wag kang kakagat sa kawalan. May silbi ka. May maitutulong ka at may tutulong sa'yo. May kukumpleto ng buhay mo at magiging parte ka para makumpleto naman ang iba. Mahirap, pero madali lang humanap ng rason para kayanin ang kahit anong mahirap.

0 comments: